dahil masarap naman talaga ma-inlove

Ipinaskil ni: Karla noong: 09/02/2010

Realized that all she needed today was a cup of iced coffee from Ministop.

nakakapagod ang pag-ibig

Ipinaskil ni: Karla noong: 08/11/2010

katatapos lamang basahin at markahan ang 42 lahok para sa pakontes ukol sa pag-ibig.

nakakapagod din pala ang pag-ibig. chos!

marami akong nagustuhan mula sa mga binasa. :)

at kasabay din nito ang pagpulot sa mga bagong estilo (na pwedeng gawing paderno para sa iba pang ehersisyo).

Eto ang isang kathang pag-ibig mula sa akosiyol.

Gusto kong mag-update pero di ko magawa

Maniwala ka sa akin, gusto ko talagang mag-update pero hindi ko magawa. Gusto ko yung ganito: hindi mo ako kilala, hindi kita kilala pero sinasabi natin sa isa’t isa: “mahal na kita,” “kakalmutin kita, kagatin mo ako,” “tama na ito, halika(n) na”. Gusto ko yung puwede kong sabihin, “Tangina pare, pag nahuli ko talaga yang Life na yan susuntukin ko ulo niya gaya ng pagsuntok ni Bruce Willis sa pedophile sa pelikulang Sin City.” Gusto ko yung pagkatapos kong sabihin yun, may magsasabing “Tara, pare, suntukin natin si Life!” kahit hindi ko naman alam ang tunog ng boses niya, hindi niya alam ang amoy ng ginagamit kong deodorant, hindi ko alam ang paborito niyang palaman sa tinapay, hindi ko alam ang iniisip niya kapag nagyoyosi siya.

Gusto ko talagang mag-update. Gusto ko talagang mag-post pero may nagtext sa akin, “hindi na ako masaya” tapos naisip ko, “ako rin” pero hindi ganun ang nireply ko. Gusto kong maniwala na you were meant for me and I was meant for you, na i’d rather have bad times with you than good times with someone else, na i don’t care who you are or where you’re from or what you did as long as you love me baby. Gusto kong magsindi ng yosi tapos kumanta, malakas: when we’re hungry, love will keep us alive, nobody wanna see us together but it don’t matter no (cause I got you babe), i miss you body and soul so strong that it takes my breath away, aaminin ko, sa lahat ng taong nandito aaminin ko, ikaw pa rin ang hinahanap ko. Gusto ko na love moves in mysterious ways, na nothing’s gonna stop us now, gusto kong maniwala sa mga bagay na ganito dahil kung hindi, tangina, saan pa ako maniniwala?

?

Ipinaskil ni: Karla noong: 08/10/2010

Dahil hindi ako makatawag kay Papa Jack, maaari kayang kayo (mga mambabasa, kung meron man) muna ang hingan ko ng advice?

I have this question–one that’s been eternally hounding me, and I seriously don’t know the answer.

So, PANO NGA BA MAKAKALIMOT?

O makabibitiw sa mga alaala?  Lalo na kung sa lahat ng sulok ng mundo, lahat ng bagay, pati amoy at lasa, ay naroroon sila? Pa’no mo matatakasan ang lahat ng ito kung bumabalik-balik sila sa lahat ng pagkakataon, handa ka man o hindi?

Pa’no nga ba ako makalalayo sa mga alaala?  Sinunog ko na’ng lahat ng retrato at sulat niya. Tinapon ang lahat ng ibinigay niya. Dineactivate ko na rin pati Facebook ko. Pati pangalan niya sa contacts ko, pinalitan—dahil hindi ko pa pala kayang i-delete—mula sa dati naming tawagan naging “Ignore-TM” at “Ignore-Smart” na lang siya.

Alam niyang takot ako sa mga multo, pero heto siya, saglit na dadalaw at magpaparamdam, ipapaalala ang lahat lahat sa akin.

Sa Recto. Sa isang kanto sa Quiapo. Sa simbahan ng Sta. Cruz. Sa mamantikang adobo. Sa sardinas at miswa. Sa tamis ng cotton candy at sorbetes. Sa pait ng ampalaya. Sa LRT. Sa overpass. Sa mami sa bangketa. Sa UP. Sa gulaman at siomai. Sa pabango niya galing Aficionado. Sa amoy ng Safeguard sa katawang bagong ligo. Sa pawis. Sa buy 1, take 1  Jumbo burger ng Burger Machine (ang isa with egg, ang isa naman with bacon bits).  Sa isang libo’t isa pang ibang bagay.

nalilito, nahihilo, ahh! pumapag-ibig?

Ipinaskil ni: Karla noong: 08/08/2010

mahal kita–
dahil

ito
ang (alam kong)
totoo.

kahit
sa totoo’y
hindi
(ko alam
kung bakit)
kita mahal.

***

isang bersiyon ng isang tula(-tulaan) mula sa isa pang blog.

Mga Marka: ,

pag-ibig ba kamo?

Ipinaskil ni: Karla noong: 08/05/2010

Alam mo na ‘to.

“Kakabog ang dibdib mo,…,kikilig ang kalamnan mo, at kikirot ang puso mo. Kabog, kilig, kirot.” Ang tatlong K ng pag-ibig, ayon sa matandang babaeng taga-Maldiaga (isang lugar kung saan walang konsepto ng pag-ibig)*, na bukod-tanging nakaramdam nito sa isang lugar na hindi umiibig.

Tama naman siya ‘di ba? Pag umiibig ka, malamang makakaramdam ka kahit isa sa tatlong K na ito. Malupit kapag nagsabay-sabay pa ang tatlo. Sigurado, inlababong-inlababo ka. Sapul kung sapul. Tiyak, malakas ang tama mo.

Wala pa akong kilalang taga-Maldiaga o sinumang walang konspeto ng pag-ibig (sa kabutihang palad!). Dahil marami tayong naranasan na umibig o umiibig, lahat tayo may ideya kung ano ito, kung kaya minsan iba’t ibang anyo o uri nito. Dadami pa siguro dahil marami pa rin ang iibig.

Ang dami-dami nang mukha nito na minsan hindi mo na rin makikilala. Minsan akala mo, aliw lang—natutuwa ka lang sa kanya kasi mabait siya, napapangiti ka. Minsan naman, nagtatago sa likod ng inis o galit—dahil sobrang hangin niya, dahil babaero, sobrang lakas ng dating. Minsan, akala mo pagkakaibigan lang—malalim na pagkakaibigan, pero nakakaramdam ng selos kapag may iba nang kakuwentuhan o kasama. Minsan din akala mo simpleng libog lang—kinikilig ang kalamnan mo sa simpleng hawak niya. Pero sa kalaunan, maiisip mo, tatanungin ang sarili, “o ano ito? pag-ibig na kaya?”, at mapagtatanto sa huli, “ay shet, umiibig na nga ako.” Dahil minsan maririnig mo ang pag-dugdug-dugdug ng puso mo, ang kiliting kumikiliti sa kabuuan mo, ang “awts!” na tatarak sa dibdib mo.

Marami na rin ang nasabi tungkol sa pag-ibig. Marami na rin ang naihalintulad sa pag-ibig. Sabi nga ng isang Facebook fan page, lahat ng bagay parang pag-ibig (ito na siguro ang pinakabagong narinig ko kahit na matagal na nating alam ito). Ano nga ba ang bago? Paano ito mababago kung lahat tayo pare-pareho naman ng nararanasan (sa pangkalahatan): iibig, sasaya, luluha, masasaktan, at posibleng sasaya at masasaktan ulit o kaya’y sasaya na pang-habangbuhay. Lahat tayo, sa isang punto (o minsan sa marami) ng buhay natin, mararamdaman ang tatlong K na ito, at maiuugnay ito sa lahat ng bagay depende sa bugso ng damdamin o sitwasyong kinalalagyan (sige lang, minsan ipapaskil mo pa sa nasabing fan page).

Marami sa mga nagsusulat tungkol sa pag-ibig ang nagtangkang bihisan ito, bigyan ng bagong anyo (tulad ng ibang lahok sa pakontes na ito). Pero hindi nagtagumpay o magtatagumpay (echos ko lang, pwedeng hindi maniwala, pero paniniwalaan mo rin sa huli). Dahil sa totoo lang, hindi mo maaaring bigyan ng bagong bihis ang pag-ibig. Na sa tuwing magsusulat ka ng kahit ano tungkol rito ay hinuhubaran mo ito: inilalantad ang tunay, totoo at kung minsan pati yung tago. At sa proseso ng kunwa’y pagbibihis na nagiging paghuhubad dito ay inihahayag mo ang isang tagong katotohanan—na bagaman indibidwal ang karanasan ng pag-ibig, komunal pa rin ito dahil marami ang nakadarama ng nararamdaman mo, kabog, kilig o kirot man ito. Dahil ang totoo, wala naman tayo sa Maldiaga para hindi marunong umibig. Lahat tayo ay  umiibig, anuman ang pagpapakahulugan o pagbibigay-mukha natin sa dito.

***

*sipi at tauhan mula sa Para kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out 5 sa atin) ni Ricky Lee.

Sa taong nagpakontes, pasensiya na, lagpas sa 300-350 words ang entry na ito. Siguro naman maiintindihan mo, dahil alam mo na, minsan talaga may mga pag-ibig na lumalabag sa batas. :)

Mga Marka:

Hello world!

Ipinaskil ni: Karla noong: 06/02/2010

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!


There are only two things I want to do in my lifetime: love and write (most probably about love).

Past is past.

Kalendaryo

Mayo 2012
L M M H B S L
« Set    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Mga Kategoriya

Eh kasi Pag-ibig.

Lahat ng bagay parang pag-ibig.

Malasa ang pag-ibig. Natikman mo na ba?

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 3 other followers

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.